Sinalihan ng mga lingkod bayan, lalong lalo na ng mga Pulis, Military, Bombero at BJMP personnel, ang ginanap na symposium tungkol sa HIV at AIDS sa may Press Conference Room ng Bayugan City Hall.
Ipinaliwinag sa mga sumali kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng HIV at AIDS. Ipinaliwanag din sa kanila ang mga gagawin kapag sila ay naging positibo ng HIV. Ayon kay Nurse Helen Saligan ng City Health Office, napakahalagang malaman ng isang tao kung siya ay positibo o hindi. Kung naging positibo, hindi ito dapat ikatakot dahil andyan ang Department of Health at City Health Office na gagabay at tutulong sa iyo na hindi na lalala ang nasabing sakit.
Itinuro din sa mga sumali ang paggamit ng condom at iba pang mga contraceptive.
Full force ang City Health Office at mga nars kasama ang City Health Officer na si Dra. Jeanne Maningo sa pagsagawa ng HIV/AIDS Symposium.
Ayon kay Dra. Maningo, isasagawa ngayong darating na June 25, 2015 sa Lope A. Asis Gymnasium ang Voluntary Counselling and Testing sa lahat ng mga Bayuganon. Isang paraan ito upang matulungan ang mga tao na malaman ang mga dahilan kung bakit nagkaka HIV or AIDS ang isang tao at malaman din kung positibo o hindi sa nasabing sakit.
Watch Video Below
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento